^

Probinsiya

Grade 9 pinagsasaksak ng Grade 10!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Grade 9 pinagsasaksak ng Grade 10!
Kinilala ang biktima sa pangalang Christian, 17-anyos, isang high school student ng Julio Ledesma National High School at residente sa Urban Phase 4, Brgy. Rizal, San Carlos City, Negros Occidental.
STAR / File

1 pang kaso ng bullying sa iskul

MANILA, Philippines — Isang Grade 9 student sa high school ang malubhang nasugatan matapos na pagsasaksakin ng isang Grade 10 sa labas ng isang eskuwelahan sa high school dahil sa sinasabing pambu-bully sa San Carlos City, Negros Occidental nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima sa pangalang Christian, 17-anyos, isang high school student ng Julio Ledesma National High School at residente sa Urban Phase 4, Brgy. Rizal, San Carlos City, Negros Occidental.

Sa ulat ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR), naganap ang insidente sa labas ng premises ng eskuwelahan sa Brgy. 2, San Carlos City dakong alas-3:40 ng hapon.

Ayon sa imbestigas­yon, inabangan si Christian ng isang kaaway nitong Grade 10 paglabas ng biktima sa eskuwelahan saka ito pinagsasaksak. Ang biktima at ang suspect ay pawang 17-anyos.

Ang biktima ay nagtamo ng saksak sa kaniyang tiyan at mabilis na isinugod sa San Carlos City Hospital kung saan patuloy itong nilalapatan ng lunas.

Samantalang ang suspect na nagtatakbo matapos saksakin ang biktima ay nasakote naman sa follow-up ope­rations ng pulisya at nakumpiska rin mula rito ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Bago ang insidente, nagsumbong umano si Christian sa kaniyang adviser na pinagbaban­taan siya ng suspect na papatayin kung kaya pinayuhan ng guro na huwag munang lumabas ng eskuwelahan at aayusin niya ang problema.

Gayunman, dahil sa abala ang guro sa kanyang lesson plan ay lumabas na sa iskul ang estudyante at dito na nangyari ang pananaksak matapos siyang abangan ng suspect sa paglabas nito sa campus.

Kabilang sa sinisilip na anggulo ng mga awtoridad sa kasong ito ay pambu-bully kung saan matagal na umanong magkaaway ang dalawang nabanggit na estudyante.

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with