POC magiging ‘caretaker’ ng Alas teams

MANILA, Philippines — Tatayong ‘caretaker’ ng Alas Pilipinas indoor at beach volleyball teams ang Philippine Olympic Committee (POC) sa darating na Asian Games sa Japan sa Setyembre.
Ito ay habang nasa ilalim ng suspensyon ng international volleyball federation (FIVB) ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF).
Sinabi ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na maaari nilang pansamantalang pamahalaan ang Alas teams base sa kanilang Constitution and By-Laws.
“Under the by-laws of the POC, if there’s no caretaker, they (national teams) will be under the POC,” wika ni Tolentino, pangulo ng cycling association.
Swak na ang Alas Pilipinas men’s at women’s indoor volleyball sa Asian Games pati na ang men’s at women’s beach volleyball squads.
Sina reigning Southeast Asian Games women’s gold medalists Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang tiyak nang ilalaban sa beach volleyball habang wala pang final lineup ang women’s indoor team.
Pinamunuan nina veterans Alyssa Valdez at Ces Molina ang Alas Women na tumapos sa 8th place sa nakaraang AVC Women’s Cup sa Candon, Ilocos Sur.
Bago ang nasabing torneo ay sinuspinde ng FIVB ang PNVF dahil sa ilang siyu.
Suspensyon din ang ipinataw ng POC sa PNVF sa idinaos nilang Executive Board meeting kamakailan.
“The suspension comes automatically from the international federation’s suspension of its national federation,” sabi ni Tolentino sa PNVF.
- Latest




















