^

Police Metro

Tacloban shooter lulong sa ‘GoreBox’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Posibleng pagkakalulong ng isa sa mga suspek sa isang marahas na online game na tinatawag na “GoreBox” ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng mga otoridad sa imbestigasyon ng madugong pamamaril sa loob ng isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at pagkasugat ng 20 iba pa.

Ayon kay Police Regional Office-8 Director Police Brigadier General Jason Capoy, natuklasan nilang madalas umanong nilalaro ng isa sa mga suspek ang naturang online game na nakatuon sa malayang paggamit ng mga armas, matitinding labanan, at mararahas na eksena.

Bagama’t hindi pa direktang inuugnay ng pulisya ang laro sa naganap na insidente, kabilang ito sa mga sinusuri upang matukoy ang posibleng motibo at impluwensya sa pag-uugali ng suspek.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad habang inaalam ang lahat ng posibleng dahilan sa likod ng trahedyang ikinasawi ng tatlong menor-de-edad at ikinasugat ng iba pang mga estudyante sa Tacloban City.

Samantala, agad na iniutos nitong Martes ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pansamantalang pagpapatigil sa online game na “GoreBox”.

“We cannot ignore possible online influences that may have contributed to this tragic incident. Temporarily blocking the game will allow authorities to conduct a thorough assessment and whether the platform played any role in the actions of the suspects”, wika ni  CICC Undersecretary Aboy Paraiso.

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with