^

Pang Movies

Bianca Umali, na-manifest ang Ella Arcangel!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Proud ang Kapuso actress na si Bianca Umali na siya ang napiling maging boses sa likod ni Ella Arcangel – ang bida sa upcoming animated film ng GMA Pictures na Ella Arcangel: Awit ng Pangil at Kuko.

Opisyal na ipinakilala si Bianca sa naganap na Toy Conference 2026. Base ang pelikula sa 2017 comics series na Ella Arcangel ni Julius Villanueva.

Kuwento pa ni Bianca, napana­ginipan niya raw ang proyektong ito.

“I dreamt of a cartoon dream. Sabi ko, ‘Anong nangyari?’ That’s such an odd dream to have,” say ng Sparkle actress. “And then, I checked my email, and then lumabas ‘yung email sa akin ng team Ella.”

Napa-oo raw siya agad na maging boses ni Ella Arcangel, na isang batang mambabarang.

“Um-oo ako dahil gawang Pinoy ‘to. Um-oo ako dahil napakaganda po nung materyal. And for people who know me as the actor that I am, I really choose the project that I do. And I really go for the projects that are meaningful and very relevant sa kung ano ‘yung nangyayari sa atin at sa buhay nating mga tao, at ang Ella Arcangel po ay ganu’n.

“Ella Arcangel is a representation of all of us. That we do not have to be a certain age, a certain gender, or have a certain status in life for us to be heroes. We can all be heroes every single day, saan man tayo nakatira, kahit sino ka pa,” dagdag niya.

Vice Ganda, may talak sa mga reyna

Malayang pagpapakatotoo ang mensahe ng bagong kanta ng Unkabogable Superstar na si Vice Ganda, na alay niya para sa mga palabang reyna, at mapapakinggan na simula Biyernes (Hunyo 26) sa iba’t ibang music streaming platforms.

Unang ipinarinig ito ni Vice Ganda sa It’s Showtime noong Lunes (Hunyo 15) kung saan ibinida niya ang mga matapang na linya at masayang beat ng kanta para sa pagsisimula ng nagbabalik na pageant segment ng programa na Miss Q&A: Reyna Talak-Era 2026.

Isang selebrasyon ng tapang, kumpiyansa at walang patumpik-tumpik na pagpapahayag ng sarili ang Talak na isinulat mismo ni Vice Ganda katulong sina Chris Lopez at Kiko Salazar.

Mapapakinggan na ang Talak ni Vice Ganda sa iba’t ibang streaming platforms simula Biyernes (Hunyo 26).  

BIANCA UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with