Bianca, naging kamukha na raw ni BB?!

May bagong isyu ang mga manlalait ni Bianca Manalo.
Puna nila, ba’t parang nagpagalaw raw si Bianca ng mukha. Ayan daw tuloy, parang kamukha na raw ito ni BB Gandanghari.
Ang harsh na ng tao kay Bianca matapos niyang idepensa ang kanyang pagbati sa ex na si now Senate President Win Gatchalian.
Totoong magkaibigan naman daw sila ayon sa kanyang interview at nagtatawagan pa raw sila dahil sa kanilang mga aso.
Ang dami ngang naplastikan sa kanyang pag-congratulate sa ex.
Lalo na at ang una niyang post ay nung habang nasa Vietnam siya kasabay ng halos oras ng panunumpa ni Sen. Gatchalian bilang Senate President noong araw na ‘yun. “Hanoi my love so sweet. Witty caption only from April Boy Regino Don’t put meaning.”
Pero may pambawi naman si Bianca doon na pinagmulan ng malalang bashing – “ill forever be proud of you!!! Well deserved!!!!!! It’s about time! The country needs you!!!”
Very insincere raw na parang may halong sarcasm.
Kaya kinailangan niyang idepensa ang sarili pero nahanapan pa rin siya ng intriga at ‘yun nga, nagmukha naman daw kaliga ni BB.
Kelan nga ba titigilan ang dating beauty queen/actress sa panglilibak sa kanya dahil lang sa isang post?
- Latest

























