^

Probinsiya

SITG binuo sa ambush ng brodkaster sa Roxas City

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
SITG binuo sa ambush ng brodkaster sa Roxas City
Roxas City-based broadcaster Jay Lavapiez
PTFOMS

MANILA, Philippines — Bumuo ang Western Visayas Police ng Special Investigation Task Group (SITG) upang mapabilis ang imbestigasyon sa pananambang sa isang radio brodkaster ng ­riding-in-tandem sa Brgy. Cagay, Roxas City, Capiz noong Lunes.

Si Jay Lavapiez ay masuwerteng nakaligtas matapos na tambangan ng riding-in-tandem na mga suspect na nagpa­lan ng bala sa behikulo ng mga ito dakong alas-5:40 ng umaga sa nasabing lugar.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO) 6 Acting Regional Director Randulf Tuaño na ang SITG ay kabibilangan ng Regional Investigation and Detective Management Division, Regional Anti-Cybercrime Unit, Criminal Investigation and Detection Group at ang Investigation team ng Capiz Police Provincial Office (PPO).

“I have directed the Capiz Police Provincial Office and the Roxas City Police Station to immediately conduct a thorough, swift and intelligence-driven investigation to identify and arrest the perpetrators,” saad ni Tuaño.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ang biktima ng kotse nitong kulay pula nang paputukan ng mga suspect.

Bago ito, nakatanggap umano ng death threat ang biktima na hinihinalang may kinalaman sa kaniyang radio program.

Ang pamamaril ay nakunan pa sa CCTV ­footage sa lugar kung saan nagtamo ng tama ng bala ang behikulo ni Lavapiez masuwerte namang hindi nasugatan ang target na brodkaster.

Inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman sa kanyang trabaho bilang brodkaster ang motibo ng pagtatangka sa buhay ng biktima lalo na at may nasasagasaan siyang mga maiimpluwensyang personalidad sa kaniyang programa.

JAY LAVAPIEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with