^

PSN Showbiz

Matet, may hina-hunting na vlogger

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Matet, may hina-hunting na vlogger
Matet De Leon.
STAR/ File

Nagngingitngit si Matet de Leon na nag-post sa kanyang Facebook account ng reaksyon niya sa mga pinagsasabi ng blogger na si Iloy Bugris sa isyu nila ni Lotlot de Leon kay Ian de Leon. Sobrang harsh naman kasi ang mga sinabi na inalipusta sina Lotlot at Matet.

“Dapat lang talaga na wala kayong mana, kasi ingrata kayong mga adopted!”

Inungkat nitong blogger ang isyu nina Matet at ni Nora Aunor tungkol sa negosyo nilang bottled tuyo.

Pero parang mali ang nakuhang impormasyon nito, dahil hindi si Matet ang nakipagkumptensya kundi si Ate Guy.

Kaya ni-repost ito ni Matet at ang nasa caption nito; “Yan. Paanong hindi kami lalaban? Pokpok? Pinulot sa basurahan. Pokpok ang nanay. Sasabihin ninyo wag ako magsasalita? Kayo ang kalaban hindi si Ian.

“Kung may nakakakilala sa babaeng ito, pakibigay sa akin ang number or any info that you can give.”

Hindi lang siguro aware si Matet na wanted na yang si lloy Bugris dito sa Pilipinas, kaya nanatili lang siya sa Dubai.

Pagkatapos na nagsalita ni Lotlot sa story conference ng pelikula nilang 40 Days, ang dami nang nakisawsaw at ang iba ay ginagamit na sa kanilang content.

Ganun na rin nga ang ginawa ni Iloy Bugris para mapagkakitaan niya.

Hindi na nagbibigay si Matet ng statement sa mga pahayag ni Lotlot, pero may mga pinapatulan pa siyang komento sa ilang netizens.

Nanahimik na raw sila, pero nati-trigger si Matet sa mga komentong sila ang ginagawang masama. “Kami ba ang gago? O ang mga tao? Nanahimik kami. Mana ng mana. Nakakasuka naaaa!

“Wala kami ire-resolve. Ayoko mag-resolve. Manahimk na lang mga kupal na nagco-comment na akala alam lahat. Okay na yun. Wala akong pakialam kay Ian.”

Marami ang nagsasabing sana magkaayos sila. Pero dahil halos lahat ay nasa social media, at ang daming nakisawsaw, lalong lumalala.

Sa ngayon parang mahirap na magkaayos ang magkakapatid.

Lotlot, Hindi na alam kung paano nagluluksa

Paano nga ba nagsimula itong pagsasalita ni Lotlot sa nakaraang story conference ng 40 Days?

Bilang 40 Days ang title ng pelikula na nagsimula nang mag-shoot kahapon, dalawa sa cast at si Direk Louie Ignacio ang tinanong ko kung paano nila napagdaanan at nalagpasan ang 40th day ng loved one nilang pumanaw na.

Si Direk Louie, Dina Bonnevie, at Lotlot ang hiningan ko ng sagot dahil recent lang sila namatayan ng mahal sa buhay.

Si Direk Louie Ignacio ay noong March lang pumanaw ang kanyang ina na siya talaga ang nag-aalaga.

“Hanggang ngayon ano pa…namatay kasi mom ko March. Nagso-shooting kami sa Taiwan,” pakli ni Direk Louie.

Dagdag niyang pahayag; “Nung 40 days, hindi pa siya ganun.

“Ahhh almost gabi gabi medyo maga pa rin mata ko.

“Tapos kasama ko siya rito. Nandito ang kanyang green bone. Nandirito yung green bone niya,” hawak ang kuwintas na suot niya na kung saan doon nakapaloob ang green bone ng kanyang ina.

Si Dina Bonnevie naman ay naiisip na kung paano niya maitawid itong pelikulang 40 Days na hindi niya maalala nung pumanaw ang kanyang asawa at ama.

“Ako, parang iniisip ko, kaya ko bang gawin ang movie na to? Kasi about death. Parang, masyado pang fresh. Tapos yung mga eksenang nababasa ko nandun yung coffin.

“Parang sabi ko, oh my gosh! Baka mag-breakdown ako. Kasi parang sariwa pa. Kamamatay lang ng asawa ko.

“But then, naisip ko na oo nga ano, yung 40th day, ang naisip ko mas naisip ko yung Dad ko. Kasi, ako ang nag-alaga sa Daddy ko. I took care for 17 years.

“It was so difficult when he died. Kasi nga parang hindi nakauwi yung mga kapatid ko, because pandemic,” kuwento ni Dina.

Pero Christian daw sila, kaya iba ang konsepto nila sa taong pumanaw.

Si Lotlot ay nahalata na naming malalim talaga ang hugot niya sa pagpanaw ng kanyang Mommy Guy.

Ani Lotlot; “I think, grieving has it’s own time.We don’t say that I’m not gonna be grieve more tomorrow.Grieving is today you’re sad, maybe tomorrow you’re okay.

“The following day, maybe you’re just…lutang. The following day, you’re just happy remembering the person you love with all the beautiful memories. The following day, could be something else.

“So, grieving is ahh it comes in waves you know. It comes in waves and the you just trying to live one day at a time.

“You just take it in, ” dugtong ni Lotlot.

Hindi niya ma-classify ang tungkol sa pagdadalamhati, dahil minsan ay nakakalimutan daw niyang wala na pala ang kanyang Mommy.

“As I said nga, it comes in waves but, if there’s one thing I guess, I would like, I’m sure with Direk Louie, with Ms. D, you’re carrying with the beautiful memories.

“Those are the things that you would always be thankful and grateful for that you are part of their journey in life. And that they are part of yours, and you’re just carrying that with you through time, until we’re here.

“And then hopefully, whatever you know, whatever beautiful memories that you’ve shared with them, you can pass it on and just tell everyone about the beautiful things that they’ve done in their life,” dagdag niyang pahayag.

MATET DE LEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with