PBA Comm’s Finals patok sa TV ratings
MANILA, Philippines — PBA pa rin ang numero unong liga ng bayan.
Ito ang napatunayan sa katatapos lang na PBA Season 50 Commissioner’s Cup matapos humataw sa ratings ang Game 7 at makipagsabayan ang RPTV sa mga karibal na TV networks.
Bilang official broadcaster ng PBA, nagtala ang RPTV ng 4.53% rating o katumbas ang halos 3.2 milyong TV viewers sa Game 7 noong nakaraang linggo na pinagwagian ng crowd favorite na Barangay Ginebra kontra sa dating kampeon na Talk ‘N Text.
Ito na ngayon ang pinakamataas na rating sa kahit anong sporting event ngayong 2026 sa Pilipinas.
Ayon ito sa datos ng Philippine National TV Audience Measurement (PHINTAM).
Sa katunayan ay umakyat pa ito sa peak rating na 6.29% o 4.42 milyong viewers at sa buong araw ay nakakuha ang RPTV na 1.% average rating upang daigin ang GMA News TV at mismong TV tungo sa pagiging No. 2 channel sa likod lang ng GMA.
Humataw pa sa pagi-ging No. 1 ang RPTV daig ang GMA mula alas-9:15 hanggang alas-10:45 ng gabi o sa kasagsagan ng second half ng Game 7 kung saan umalagwa ang Gin Kings tungo sa 88-76 tagumpay.
Kasunod din nito ang awarding ceremony kung saan tinanghal na Finals MVP si Scottie Thompson para kumpletuhin ang award sweep ng Gin Kings matapos ding koronahan bilang Best Import at Best Player of the Conference sina Justin Brownlee at RJ Abarrientos, ayon sa pagkakasunod.
Sa buong serye tampok ang 7 pambatong laro, nagtala ang PBA ng average na 3.9% rating o lagpas 2.75 milyong live viewers.
Bukod pa rito naukit na bagong record ng PBA sa Mall of Asia Arena tampok ang 24,617 fans.
Nabura nito ang 23,616 fans sa MOA Arena noong Game 7 ng 2016 Phi-lippine Cup tampok ang makasaysayang Beeracle tampok ang panalo ng San Miguel kontra sa Alaska upang maghari bilang kauna-unahang koponan sa buong mundo na nakabalikwas mula sa 0-3 deficit.
- Latest























