Atasha, hinahasa na ang tagalog!

Nakitakbo si Atasha Muhlach sa ginanap na fun run ng Century Tuna Superbod Life Community Run bilang siya ang Century Tuna Brand Ambassador. Kasama niyang tumakbo ang Super Bowl Ambassador na si Emilio Daez.
Ang objective ng fun run ay “highlighting the power of community in making healthy living more accessible and sustainable as more Filipinos embrace their own Superbod Era.”
Sa tanong kung ano ang sikreto ng pagkakaroon ng superbod at eight-pack abs? “It’s all about discipline, prioritizing overall health, getting enough protein, and most especially enjoying the journey.”
Isama na rin daw ang Superbod life at hindi raw importante kung tumatakbo, walking, jogging kayo or sprinting, ang importante kumikilos tayo.
Samantala, nasa rehearsal era si Atasha ngayon bilang paghahanda sa Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical na tatakbo from September to October. Hindi lang acting at singing ang pinaghahandaan ni Atasha, pati na ang Tagalog dialogue niya. Lalo na at Inglesera siya, pero sabi nito, “I will do my very best at hindi lalabas ang twang ko,” pangako nito.
Ang Manila ang favorite song ni Atasha sa songs ng Hotdog na kanyang pinapakinggan habang nag-aaral siya sa UK.
Ngayon, may chance na siyang kantahin ito kasama ang ibang cast ng Bongga Ka ‘Day!
Serye nina Sanya at Gabby, ipapalabas ulit ng GMA
Muling ipalalabas sa GMA ang First Yaya na tinampukan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.
Sa June 29, na ang re-airing nito sa GMA Prime o 9:35 p.m. Ang romcom ang papalit sa The Secrets of Hotel 88 na malapit nang magtapos.
Dahil dito, may mga umasa na magkakaroon pa ng Book 3 ang series.
Malay natin, kapag nag-hit uli ang re-run ng First Yaya, baka magkaroon na ng Book 3 at ipakita ang married life nina Melody (Sanya) at ng presidente (Gabby). Ang dami pang mapupuntahan ng story nito actually.
- Latest




















