^

Police Metro

6-anyos paslit ni-rape/slay ng Grade 2 student

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bangkay na nang matagpuan sa isang bukid ang 6-anyos na batang babae na napaulat na nawawala na umano’y ginahasa bago pinaslang ng isang Grade 2 student sa bayan ng Victoria, Tarlac.

Sa report ng Victoria Municipal Police Station (MPS), inireport sa kanilang tanggapan na nawawala ang batang babae noong Biyernes.

Base sa pahayag ng mga kamag-anak ng biktima, huli itong nakita na kasama ng isang menor-de-edad na batang lalaki na isang Grade 2 student sa isang eskuwelahan sa bayan ng Victoria.

Batay sa kuha ng CCTV, mismong ang binatilyo ang sumundo sa biktima at napag-alamang hindi na umano iba ang nautusang binatilyo sa pamilya ng biktima dahil malimit na rin nila itong nauutusan upang ihatid at sunduin ang biktima mula sa paaralan.

Agad namang nagsagawa ng search operation ang pulisya at natagpuan ang bangkay ng biktima sa bukid.

Hinihinala na ang biktima ay ginahasa ng suspect saka pinaslang na hindi pa malinaw kung sa sakal, pagsubsob sa mukha nito sa lupa o paghampas ng matigas na bagay dahilan kailangan pang maisailalim sa forensic examination ang bangkay ng batang babae.

Inaresto ng pulisya ang suspect na itinurnover sa kustodya ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) dahilan isa itong menor-de-edad.

TARLAC

VICTORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with