Zsa Zsa, ‘di nakalimot kay Dolphy

Kanya-kanyang entry ang mga celebrity kahapon para sa Father’s Day.Pero iba-iba ang mga sitwasyon. Si Zsa Zsa Padilla ay dumalaw sa puntod ng Hari ng Komedya na si Dolphy: “Though you are no longer here in person, your love and the lessons you taught remain part of everything we do. Wishing you peace today and always. Happy Father’s Day.”
Si Alex Gonzaga ay may pa-tribute sa mister na si Mikee Morada na maraming beses naudlot ang pagiging ama: “Finally, I can greet you today. Happy father’s day my papamel @mikee_mo.”
Si Angelica Panganiban ay madamdamin ang post para sa mister na si Gregg Homan na sumagot na may ‘something’ sa kanyang mata matapos niya itong mabasa. Maraming pinagdaanan si Angelica bago niya nakilala ang napangasawa.
- Latest





















