Bela at bagong jowa, may ‘baby’ na!

Luma-lovelife na si Bela Padilla at ikinatutuwa ito ng kanyang fans.
Ang tinutukoy na guy ay ang tech entrepreneur Martin Tan at siya ang nakitang kasama ng aktres sa opening ng pet lifestyle clinic nina Dra. Aivee Aguilar-Teo at Dr. Z Teo sa Parqal Mall sa Parañaque.
Sa lumabas na photos, may hawak na doggie sina Bela at Martin na sigurado namang fur babies nilang dalawa.
Unang naispatan sina Bela at Martin sa New Year’s Eve celebration ni Kim Chiu sa bahay nito. Naniniwala tuloy ang fans na baka si Kim ang nagpakilala sa dalawa dahil pareho silang Chinese. Kinontra ito ng ibang fans, mas posible raw na isinama ni Bela si Martin sa New Year’s eve celebration.
Anuman ang totoo, parang nabago na ang status ni Bela sa nabanggit early this year sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda na she’s single at walang boyfriend. Pero, sinabi rin na “There is somebody making me smile.”
Sure ang fans na si Martin Tan ang tinutukoy ni Bela at dahil spotted na sila in public, baka ang kasunod nito ay aamin na si Bela.
Kc at Frankie, nagkaayos na
Ikinatuwa ng mga nagmamahal sa Pangilinan family at kay KC Concepcion ang nabasa na comment ni KC sa post ni Frankie Pangilinan sa Instagram. Nag-post si Frankie ng photo niya na kuha sa The Mega Ball 2026.
Suot ni Frankie ang gown na Jot Losa. Nag-comment si KC ng “Beautiful” na nagpasaya sa nagmamahal sa dalawa. Wish nila, maging daan ito para marami pang post ni Frankie na magku-comment si KC at magla-like.
Ganu’n din sa parte ni Frankie, sana raw mag-comment at mag-like rin siya sa post ni KC. Ang ganda raw mabasa ang pangalan ni KC na matagal nilang hindi nababasa.
Nag-comment din ang relative ng boyfriend ni Frankie na si Daniel Laurel at ang mga Pangilinan. Gandang-ganda sila sa gown na suot ni Frankie.
Matet, may pa-shade rin kay Ian?!
May Facebook post si Matet de Leon na ang feeling ng mga nakapanood, shade niya ito sa kapatid na si Ian de Leon. Nag-dubsmash pa si Matet ng kantang “Banal Na Aso, Santong Kabayo” at sa parte ng song na “Natatawa ako, hihihi,” natawa nga at nagtakip pa ng bibig at parang may itinuturo.
Hindi pa yata napapanood ni Ian de Leon o wala pang nagparating sa kanya dahil wala pa siyang reaksyon. Sa pahayag pa lang ni Lotlot de Leon sa storycon ng 40 Days ang sinagot ni Ian.
Pati ang Noranians, nadadamay sa isyu ng magkakapatid. May mga nagpahayag na Team Ian sila at may nagsabi namang Team Lotlot at Matet sila.
May mga unsolicited advice rin sa magkakapatid na mag-usap-usap na lang sila at hindi na isapubliko ang kanilang isyu at problema. Sa nagtanong pa kung natatawa ba o napipikon si Matet, ang sagot nito, “Naubos na ako te. More on natatawa na lang hahaha.”
May mga nag-suggest na kailangan nang kausapin ni Christopher de Leon ang magkakapatid para sila ay magkaayos. Sigurado raw na hahaba pa ang isyu dahil sinagot ni Ian ang naging pahayag ni Lotlot sa storycon.
- Latest





















