^

Police Metro

Mandaragat sa Ilocos at Cagayan pinag-iingat sa 2 rocket drop zone

Ludy Bermudo - Pang-masa
Mandaragat sa Ilocos at Cagayan pinag-iingat sa 2 rocket drop zone
Ilocos Norte map.
Wikimedia / Released

MANILA, Philippines — Pinaiiwas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga maglalayag sa bahagi ng karagatan sa Ilocos Norte at Cagayan hinggil sa ilulunsad na Long March 7A rocket ng China sa darating na Martes.

“All mariners opera­ting within the area of responsibility of Coast Guard Station Isabela are strongly advised to exercise heightened vigilance and take all necessary precautionary measures when navigating near or within the identified Drop Zones before and du­ring the scheduled launch period,” ayon sa notice to mariners na inisyu noong Hunyo 19, ng PCG Isabela Station.

Nakatakdang ilunsad ang Chinese rocket sa Wenchang, Hainan sa pagitan ng 10:02 at 11:04 ng umaga ng Hunyo 23, 2026.

Tinukoy ang Drop Zone 1 — na 42 nautical miles mula sa Burgos, Ilocos Norte at 65 nautical miles mula sa Dalupiri Island sa  Cagayan, habang ang Drop Zone 2 — ay 60 nautical miles mula sa Santa Ana, Cagayan at  72 nautical miles ang layo sa Camiguin Norte, Cagayan

Para sa kaligtasan, sinabi ng PCG na kung posible ay umiwas sa nabanggit na mga lugar.

Hinikayat din ang publiko na iulat sa PCG-Isa­bela sakaling may makita o matagpuang debris na kaugnay sa rocket launch.

Ang mapa ng PCG na nagpapakita ng drop zones ay may tatak na Philippine Space Agency (PhilSA).

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with