^

Pang Movies

Sanya, niregaluhan ang sarili

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sanya, niregaluhan ang sarili
Sanya

Kahit sa August pa ang birthday ni Sanya Lopez, binili na nito ang kanyang early birthday gift sa sarili, isang bagong sasakyan.

On Instagram, ibinahagi niya ang larawan niya na nasa loob nito, na tila excited nang mag-road trip. “I’ve always believed that if you work hard, stay patient, have a good heart, and trust God’s timing, beautiful things will eventually find their way to you. A little early for my birthday, but here’s a gift to myself. Thank you po Lord, sa lahat ng blessings mo po palagi,” caption pa niya.

Mag-turn 30 years old na si Sanya sa Aug. 9. Marami na ring naipundar ang Kapuso actress, kabilang na ang pagpatayo ng sarili niyang bahay at ang magkaroon ng sariling negosyo.

Huli siyang napanood sa Encantadia Chronicles: Sang’gre.

Angeline, inilihim sa pamilya ang natupad na pangarap

Tinupad ni Angeline Quinto ang pangarap niya at pangako sa yumaong Mama Bob dahil college graduate na siya!

June 16 noong umakyat sa entablado ang Kapamilya singer para sa graduation niya sa Immaculada Concepcion College, Caloocan City. Degree holder na siya ng BS Business Administration major in Marketing Management.

Kinabukasan, proud niyang ibinahagi online ang mga litrato mula sa graduation. At sa caption, binalikan niya ang mga pinagdaanan gamit ang lyrics ng kanta niyang Patuloy Ang Pangarap.

Sa contract signing niya sa One Music Management at Star Music last March, kinuwento ni Quinto na tinago niya raw ang pag-aaral niya para ma-surprise ang pamilya niya.

“Hindi alam ng family ko and asawa ko… Ang pagtupad ng pangarap walang pinipiling edad. Kahit wala na si Mama Bob, itinuloy ko pa rin ang pangarap,” sey niya.

Naghahanda si Angeline sa magiging 15th anniversary concert niya titled AQUIN5E on Aug. 22 at the Araneta Coliseum.

Tom, kinumpirma ang kasal nila ni Zendaya!

Parang kinumpirma na ni Tom Holland na kasal na sila ni Zendaya.

Nang tanungin ang Spider-Man star tungkol sa kumalat na AI (artificial intelligence)-generated wedding photos at kung sinabihan niya ba ang pamilya na peke ‘yun, sumagot siya ng “No, because they were all there. That’s all you get on that.”

Proud nga raw ang aktor sa naging partnership nila ni Zendaya.

“Our business can present very stressful situations and it’s really nice to have a bedrock of a relationship that will stand the test of time. We can support each other in ways that only we can, because only we understand really what it’s like to live this life, and I think that is such a luxury, because I just don’t understand how I would be able to have anything like that with anyone else,” diin pa niya.

Taong 2017 noong una silang magtambal ni Zendaya sa Spider-Man: Homecoming. Doon na raw nagsimula ang love story nila.

“So, for me, I found my person. She’s my best friend, and I’m the happiest I ever have been when I’m with her, but I also have never felt so supported and safe, ever. Period.”

Noong nakaraang March kumalat ang balitang kinasal sina Tom at Zendaya. Rumampa ang aktres na may suot na wedding band sa kanyang kaliwang ring finger. Umiwas na pag-usapan ito noon ng two-time Primetime Emmy winner.

SANYA LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with