May ka-live-in at anak na ang bf
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Alyda. Mayroon akong boyfriend. Matagal kaming magkakilala bago siya nagtapat ng feelings niya para sa akin.
Masyado kasi siyang malambing at maalalahanin kaya hindi ko na pinatagal at sinagot ko siya. Tutal sigurado naman akong na tala-gang type ko siya at sa obserbasyon ay tunay ang damdamin niya sa akin.
Nagtagal ng tatlong buwan ang relasyon namin bago kami nagbalak na magpakasal, this coming August sana.
Napakabuti niyang kasintahan at wala na talaga akong hahanapin pa.
Hanggang sa isang hindi inaasahang umaga, may nakapagsabi sa akin na nakita raw ang boyfriend ko sa Tagaytay na may kaakbay na babae. Kinabahan ako pero inisip ko na baka malapit lang na kaibigan o kamag-anak. Pero mula nang malaman ko ‘yun ay hindi na talaga ako mapakali.
Kahit pa subukan kong ibaling sa iba ang atensiyon ko ay pilit pa ring sumisiksik sa isip ko ang nabalitaan ko.
Kaya naman nang hindi ako makatiis ay hinarap ko siya. Talagang sinisikap kong ku-malma ang kalooban ko pero wa epek...walang kaabog-abog ko siyang tinanong.
Sabi ko, kung mahal niya ako ay maging tapat siya sa akin. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang itsura niya sa reaksiyon niya.
Natigilan siya at matagal bago nakasagot. Halos himatayin ako nang sabihin niya na ang babaeng ‘yun ay ka-live-in niya at mayroon silang isang anak. Mabilis din ang pagkabig niya sa pagsasabing ako raw ang mahal niya at handa niyang hiwalayan ‘yung babae.
Kahit pa tila pumapabor sa akin ang pagpili niya, hindi ako sang-ayon. Dapat ko bang pakasalan ang ganitong uri ng lalaki? Naguguluhan ako.
Alyda
Dear Alyda,
Wala kang iba na dapat gawin kundi tapusin ang relasyon mo sa lalaking ‘yan dahil malaking sakit ng ulo ang papasukin mo.
Kahit hindi siya kasal, may panghabambuhay siyang pananagutan sa kanyang unang pamilya dahil may anak siya.
Darating ang araw na baka magkaroon ng conflict ang iyong magiging anak sa anak niya. Isa pa, hindi siya naging tapat sa iyo sa simula pa lamang. Dapat sana’y isiniwalat niya sa iyo ang lahat tungkol sa kanya kung tapat ang layunin niya sa iyo.
Pag-isipan mong mabuti dahil ikaw pa rin naman ang magdedesisyon sa bandang huli.
Dr. Love
- Latest


















