^

Probinsiya

Mekaniko pisak sa sports car

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay noon din ang isang 34-anyos na mekaniko nang maipit at madaganan ng kinukumpuni nitong sasakyan sa Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City nitong Huwebes.

Ayon sa pulisya, alas-6 ng umaga ay nakitang nasa ilalim ng isang sports car ang biktima habang kinukumpuni ito, pero kalaunan ay biglang bumigay ang sasakyan hanggang ito ay bumagsak at nadaganan ang mekaniko.

Sinabi ni Police Lt. Jose Fajardo III, deputy commander ng Police Station 3 sa Cagayan de Oro City, hindi kinaya ng scissor jack na ginagamit ng mekaniko ang bigat ng sasakyan kung kaya ito ay bumagsak.

Nagtamo ang meka­niko ng matinding pinsala sa ulo na naging sanhi ng daglian nitong kamata­yan.

CAGAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with