^

Metro

Ama sinaksak lalaking nambastos sa anak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ama sinaksak lalaking nambastos sa anak
Nakapiit na at sasampahan ng kasong frustrated murder ang suspek na si alyas “Paeng”, 45, residente rin ng San Andres Bukid at anak nito na 21-anyos na kanyang kasama nang isagawa ang krimen.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang ama ng tahanan matapos na saksakin ang isang lalaki na aniya ay nambabastos sa kanyang anak na dalagita sa Maynila.

Nakapiit na at sasampahan ng kasong frustrated murder ang suspek na si alyas “Paeng”, 45, residente rin ng San Andres Bukid at anak nito na 21-anyos na kanyang kasama nang isagawa ang krimen.

Nagpapagaling ­naman sa pagamutan ang 27-anyos na biktima na napuruhan ng saksak sa bituka.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Sta. Ana Police Station, alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang pananaksak sa Brgy. 767, sa San Andres Bukid.

Makikita sa kuha ng CCTV sa lugar na nakaupo lamang ang biktima sa harap ng tindahan nang lapitan ng mag-ama na armado ng itak. Bigla itong sinaksak ng suspek sa tiyan.

Ayon sa suspek nagawa lamang niyang resbakan ang biktima dahil sa pambabastos nito sa kanyang 14-anyos na anak na dalagita.

Kinumpirma naman ng mga opisyal ng b­arangay na bukod sa pambabastos, dati na ring inireklamo ng pagnanakaw sa kanilang lugar ang biktima.

SAKSAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with