Carlos at Eldrew Yulo pasok sa apparatus finals ng Asian Championships

MANILA, Philippines — Parehong maaaring kumubra ng gold medal ang mag-utol na Carlos at Eldrew Yulo sa 13th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Sunyi, China.
Ito ay matapos pumasok ang magkapatid na Yulo sa apparatus finals ng kani-kanilang events.
Swak ang 26-anyos na si Carlos, ang double-gold medalist sa 2024 Paris Olympic Games, sa finals ng men’s floor exercise, parallel bars at horizontal bar.
Nagtala si Carlos ng 14.430 points sa paborito niyang floor exercise para pamunuan ang qualification group.
Pumang-apat siya sa parallel bars (13.966) at pang-walo sa horizontal bars (13.466).
Bigo si Carlos na makakuha ng medalya sa individual all-around matapos pumang-apat sa kanyang 81.864.
Umabante rin sa finals ang 18-anyos na si Eldrew, sumasalang sa kanyang senior debut , sa horizontal bar at floor exercise events.
Sinapawan ni Eldrew si Carlos sa horizontal bar sa nakolektang 13.633 points para sa pang-pitong puwesto.
Tumapos si Eldrew sa pang-walo at huling puwesto sa floor exercise sa kanyang nailistang 13.600.
- Latest






















