Metikuloso ang nobyo
Dear Dr. Love,
Tawagin n’yo na lang akong Cel, 24-anyos. Sumulat ako dahil nauubos na ang pasensya ko sa boyfriend kong si Mark. Mabait at tapat siya, pero napaka-metikoso niya sa katawan at gamit, daig pa ang babae.
Kapag kumakain kami sa labas, paulit-ulit niyang pinupunasan ng tissue ang kubyertos na parang laging may mikrobyo. Kung mag-ayos ng sarili bago umalis, inaabot ng siyam-siyam kaya palagi kaming late. Kahit sa pagyakap, umiiwas siya kapag mainit dahil ayaw niyang mapagpawisan.
Mahal ko siya, Dr. Love, pero nasasakal na ako. Pakiramdam ko kailangan kong maging perpekto palagi para hindi siya mairita. Ano po ang gagawin ko?
Cel
Dear Cel,
Natural lang na mapagod ka, dahil mahirap makisama sa taong masyadong kontrolado ang kapaligiran. Ang pagiging “metikoso” ay pwedeng simpleng ugali na nakuha sa paglaki, o kaya naman ay paraan niya para hawakan ang sarili niyang anxiety o stress.
Mag-usap kayo ng tapat pero kalmado. Huwag mo siyang ata-
kihin habang nag-aayos o nagrereklamo. Humanap ka ng timing kung kailan maganda ang mood ninyo.
Magtakda kayo ng “middle ground.” Pagkasunduan ninyo kung saan pwedeng magkompromiso. Halimbawa, hayaan mo siya sa personal niyang ritwal sa kubyertos, pero pakiusapan siyang mag-set ng alarm nang mas maaga para hindi kayo pala-
ging late sa usapan. Huwag mong i-absorb ang stress niya. Tandaan mo ito, kung mahal ka ni Mark, makikinig siya at magbabawas ng kaunting arte para hindi ka masakal. Pero kung mas mahalaga sa kanya ang “perpektong linis” kaysa sa kapayapaan ng loob mo, baka panahon na para pag-isipan mo kung tatagal ka sa ganyang situwasyon.
DR. LOVE
- Latest


















