Sue, nahihirapan sa kalagayan ng ina!

Nagpapasalamat sa Diyos ang Kapamilya star na si Sue Ramirez dahil nabiyayaan siya ng tunay na mapagmahal na pamilya at boyfriend sa katauhan ng actor at content creator na si Dominic Roque.
Sa darating na July 20 ay sabay na ise-celebrate ng magkasintahang Sue at Dom (Dominic) ang kanilang kaarawan dahil nagkataon na iisa ang kanilang birthday.
Sue is turning 30 on July 20 habang magti-36 naman si Dom. Wala pa umano silang plano para sa kanilang nalalapit na kaarawan kung saan at kung paano nila ito ise-celebrate.
During our exclusive interview with Sue para sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel na palabas ngayong 12:00 noon, hindi ikinakaila ng aktres na may kinikimkim siyang sakit sa kanyang puso dahil sa malalang kondisyon ng kanyang mahal na ina matapos itong magka-stroke. Hindi na umano ito nakakapagsalita at nakatitig na lamang sa kanila ng kanyang mga kapatid. “It’s so painful seeing my mom in that condition na pinagdaanan din ng dad namin before he passed away,” pahayag ni Sue.
“My mom is a very strong person pero mukhang hindi na niya kayang lumaban,” patuloy niya.
“Being the youngest of five siblings (four girls and one boy), ako talaga ang baby ng mom ko,” aniya.
“I was already 20 sinusubuan pa rin ako ng mom ko at katabi kaming matulog. But she was very supportive nang magdesisyon na akong mag-solo,” kuwento pa niya.
“Since it was my first time na mapawalay sa mom at mga kapatid ko, madalas akong umiiyak bago matulog. Eventually, we all got adjusted. Mom would cook for me at dadalhin niya sa condo at madalas kaming magtawagan. She would always check on me,” salaysay pa ng singer-actress.
Thankful din silang magkakapatid sa kanilang late father dahil covered ng insurance nito ang medical expenses ng kanilang ina na abot na umano sa mahigit milyon. “Our dad made sure that we’re ok kahit wala na siya.”
Pero sa kabila ng present condition ng kanyang ina, hinaharap pa rin ni Sue ang kanyang commitments. “We’re not ready to lose our mom,” naiiyak niyang pahayag.
Bago na-stroke ang kanyang mom ay nakilala nito nang husto ang kanyang boyfriend na si Dominic. “Very close si Dom sa family ko ganundin naman ako sa family niya,” pag-amin ni Sue.
Grateful ang actress dahil bukod sa kanyang mga kapatid, nariyan si Dom para damayan siya.
Speaking of Sue and Dom, nakasabay namin ang dalawa kasama ang kanilang respective handlers sa aming flight from Cebu to Manila last Monday afternoon. Nanggaling sila ng Siargao kung saan sila um-attend sa isang event habang kami naman ay galing sa aming hometown in Borongan City, Eastern Samar.
Watch our exclusive interview with Sue Ramirez on TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel today, Friday at 12:00 noon.
- Latest


























