^

PSN Showbiz

Home Along… iikot sa abroad!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa nasagap namin mula sa reliable source, umabot ng P2.9 million ang first day earnings ng pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion na nagbukas noong Miyerkules.

Nag-showing ito sa 180 cinemas nationwide, kaya mababa ito kung tutuusin. Nagbaba sila ng presyo ng ticket na ginawa nilang P275 ang presyo. Pero okay pa rin ito dahil wala namang big star na involved.

Dito nakikitang interesado ang karamihan sa sikat na sitcom na ito ng namayapang Hari ng Komedya na si Dolphy.

Maayos din ang promo ng naturang pelikula at marami ang sumuporta rito.

At sabi nga ng direktor nito na si Boy 2 Quizon, iikutin pa raw nila sa ibang bansa dahil marami sa mga kababayan natin sa abroad na naging bahagi na talaga ng buhay nila ang naturang sitcom. “Magkakaroon ng leg sa US and Canada, iikutin namin. Ang Home Along, nagkaroon ng time na minahal naman siya ng mga tao e.

“I’m sure, habang nanonood ang mga tao dun... binigay din namin ‘yung parang feeling namin, ‘yung mga bata noon… parang kami na ‘yung mga tatay ngayon. Kaya nanawagan kami sa mga boomers, millennials, Gen X, kayo na ang bahala magdala ng mga Gen Z. Para mapakita sa kanila ‘yung pambansang pamilya,” saad ni Boy 2 Quizon.

Halos nakumpleto ang buong original cast ng Home Along. Nadagdag lang si Pepe Herrera na kahit below the title siya sa billing, markado pala ang role nito. Malaki-laki ang papel niya bilang Baby Boy, ang yayamaning fiance ng 45-anyos na si Rebecca “Bing” Cosme (Claudine Barretto).

Ipinaliwanag ni Pepe kung bakit siya napasama sa naturang pelikula.

Ani Pepe, “Kasi po, nung nakilala ko si Boy 2 years ago, nagkaamuyan na agad kami ng karakas, e! Parang… sa pakiramdam ko lang po, ha, para kaming hinulma gamit ang isang uri ng lupa.

“Parang ganun po, e. So nagkagaanan agad ng loob. Iyong humor, parehas. Tawa lang kami nang tawa behind the scenes. Sa mga hotel namin, minsan magkakasama kami. Tuloy ang inuman doon, kuwentuhan.”

Tingnan natin ngayong weekend kung tataas pa ang kita ng naturang pelikula.

Elle, hinihingan na ng apo ng mommy ni Derrick

Dinagsa naman ng maraming manonood ang GSIS night ng musical play na Ibarra… Ngayon na pinagbidahan ni Derrick Monasterio na ginanap sa GSIS Theater noong Miyerkules, June 17.

Parang technical dress rehearsal pa nila ito dahil kagabi lang talaga nagsimula ang naturang musical play. Napuno ang buong theater dahil nandun din ang fans ni Derrick at sinuportahan din ito ng kanyang pamilya.

Nandun din si Elle Villanueva na todo ang suporta sa nobyo na maagang dumating na mag-isa lang. Pero pagda­ting ng mommy ni Derrick na si Tina Monasterio kasama ang mga kapatid at ibang kasama ng aktor, pinalipat nila sa upuan nila si Elle at kitang-kita namin ang closeness ni Elle sa pamilya ni Derrick.

Pagkatapos ng palabas, sobrang tuwa nila dahil nagpakita ng galing ang Kapuso actor lalo na sa pagkanta, at pang-entablado talaga ang boses.

Kaya proud na proud sila Elle pati ang Mommy Tina ng aktor.

Tinanong namin si Tina kung handa na ba siya kung sakaling magpakasal na sina Derrick at Elle. Nasabi na rin naman daw sa kanya, at gustung-gusto na raw niyang magpakasal ang dalawa.

Kaya hiningan ko ng reaksyon si Elle.

“Wow! Nasabi na pala ni Tita,” bulalas ng Kapuso actress. “Wala pa naman kaming paalam kay Tita. Ngayon, naka-focus pa rin naman kami sa play niya. Ako naman sa show ko. So, wala pa naman kaming anything na…” dagdag niyang pahayag.

Pero gusto na raw pala ni Tina Monasterio na magkaapo kina Derrick at Elle.

“Lagi niyang sinasabi sa akin, ‘ano kaya ang magiging itsura ng anak n’yo,’ ganyan. Hinihintay na talaga niya,” napangiting pakli ni Elle.

Pero wala pa raw sa plano nila ni Derrick na magpakasal.

“Siguro let’s see. Kasi nasa tamang edad na rin naman kami e,” saad ni Elle Villanueva.

HOME ALONG DA RILES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with