^

Police Metro

US at Iran, lumagda ng kasunduan

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumagda ang Estados Unidos at Iran sa isang kasunduan na naglalayong wakasan ang matagal nang ­tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa ulat ng Agence France-Presse, sumang-ayon ang Tehran na lusawin ang enriched uranium nito kapalit ng malawakang tulong pang-ekonomiya.

Isinagawa ang pag­lagda sa pamamagitan ng isang memorandum of understanding (MOU) na pinirmahan ni US President Donald Trump sa isang pagtitipon kasama si French President Emmanuel Macron sa Palasyo ng Versailles sa France kasunod ng isang G7 summit.

“Just signed it,” napaulat na inihayag ni Trump sa mga mamamahayag habang lumalabas sa palasyo.

Ayon sa state owned agency IRNA, inihayag ng  spokesman ng Foreign Mi­nistry ng Iran na si Esmaeil Baqaei, ang dokumento ay na “finalized with the signatures of the presidents.”

Layon ng kasunduan na tapusin na ang giyera na nagsimula noong Pebrero 28 ng Amerika at Israel na naging daan para maglunsad ng counter attack ang Iran sa pamamagitan nang paglulunsad ng missile at drone sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Matatandaan na dahil sa giyera ay isinara ang Strait of Hormuz,isang crucial waterway ng ekonomiya ng mundo.

DONALD TRUMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with