‘Senateflix’ tapos na - SP Gatchalian
MANILA, Philippines — “Tapos na ang “Senateflix”, back to work na tayo. So, in the next few weeks ay ilalatag na namin ang Legislative-Executive Development Council (LEDAC) bills”.
Ito ang sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na tapos na ang tinaguriang “Senatefllix” na sinubaybayan ng publiko dahil sa nagdaang bangayan sa liderato ng Senado nitong nakalipas na ilang linggo.
Ayon pa kay Gatchalian na naghahanda na rin ang Senado para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na nakatakda sa Hulyo 6.
“We started the physical preparations for the impeachment. We met with the PNP, AFP, MMDA, Pasay LGU and other enforcement agencies. In the next few weeks, we will focus also on the bills,” dagdag niya.
Bukod dito ay nakatuon din sila sa iba pang mga priority bills ng mga senador at aatasan din ang mga komite na magsagawa ng mga pagdinig matapos maitalaga ang mga chairman, vice chair at mga miyembro ng iba’t ibang komite.
- Latest



















