^

PSN Palaro

Eala may P1 milyon agad sa Berlin Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala may P1 milyon agad sa Berlin Open
Alex Eala

MANILA, Philippines — Makasisiguro na si Alex Eala ng tumataginting na 15,470 Euros o mahigit P1 milyon sa pagpasok nito sa se­cond round ng Berlin Open na ginaganap sa Germany.

Umabante si Eala sa susunod na yugto matapos pataubin si reig­ning Queen’s Club cham­pion Donna Vekic ng Croa­tia sa iskor na 7-5, 6-4.

Ito ang ikatlong sunod na pagkakataon na na­naig si Eala kay Vekic sa kanilang head-to-head.

“Donna is an incre­dible player and she’s been showcasing it a lot lately. And every time I play her it’s been very difficult so I had a lot of expectations for this match in terms the level that I had to bring in,” ani Eala.

Posibleng uma­ngat pa ang prize money ni Eala sa 29,110 Euros o mahigit P2 milyon kung papasok ito sa quarterfinals.

Ngunit hindi magi­ging madali ang daan upang makapasok sa Round of 8 para sa Pinay netter.

Makakasagupa na naman nito si world No. 2 at reigning Australian Open champion Elena Rybakina ng Kazakhstan sa second round.

Nakakuha ng opening round bye si Rybakina dahil ito ang No. 2 seed sa torneo.

Ito ang ikalawang pagkakataon na maghaharap sina Eala at Rybakina.

Una nang nagtagpo ang dalawa sa second round ng Italian Open noong nakaraang linggo.

Nanaig sa naturang laro si Rybakina sa iskor na 6-4, 6-3.

Ngunit ibang surface ang Italian Open na clay court kumpara sa grass court ng Berlin Open.

Kaya naman malaki ang posibilidad na makakuha ng upset win si Eala lalo pa’t maganda rin ang takbo nito sa grass season.

Nagkampeon si Eala sa Birmingham Open da­lawang linggo na ang nakalilipas.

Ang pagsalang ni Eala sa Berlin Open ay bahagi ng paghahanda nito para sa prestihiyosong Wimbledon Championship na lalarga sa Hunyo 29 sa London, England.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with