^

Metro

PNP pinahihigpitan seguridad sa mga iskul

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP pinahihigpitan seguridad sa mga iskul
Ang panawagan ay ginawa ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. kasunod ng insidente ng pananaksak ng isang Grade 8 student sa pitong Grade 5 student ng Bethel Academy sa General Trias City, Cavite noong Hunyo 16.
STAR / Ernie Penaredondo

Sa pananaksak sa 7 Grade 5

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga paaralan sa buong bansa na paigtingin ang pagpapatupad ng kanilang mga security measures upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ang panawagan ay ginawa ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. kasunod ng insidente ng pananaksak ng isang Grade 8 student sa pitong Grade 5 student ng Bethel Academy sa General Trias City, Cavite noong Hunyo 16.

Labis na ikinabahala ni Nartatez ang insidente at binigyang-diin na dapat manatiling ligtas ang mga paaralan bilang lugar ng pagkatuto at pag­hubog sa kabataan.

Nabatid din na dumadalo sa isang pagpupulong ang mga guro nang mangyari ang insidente, dahilan upang pansamantalang walang nagbabantay sa silid-aralan.

Dahil dito, inatasan ng PNP Chief ang Police Regional Office 4A at Cavite Provincial Police Office na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with