^

Police Metro

Dump truck vs pickup: 6 todas

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim na katao ang nasawi habang 12 ang nasugatan matapos aksidenteng magbangaan ang isang pickup at mini dump truck na nahulog pa sa bangin sa mabundok na bahagi ng kalsada ng Brgy. Bolo, Labrador, Pangasinan nitong Martes ng gabi.

Ayon sa pulisya, lima sa mga biktima ay idineklarang dead-on-arrival na kinabibilangan ng isang 39-anyos at 36 taong gulang na lalaki na residente ng Brgy.Bolo habang ang tatlo na lalaki rin na nagkakaedad na 47, 36 at 25. Ang ikaanim na biktima ay binawian naman ng buhay nitong Miyerkules ng umaga habang ginagamot sa ospital. Ang mga nasawi ay pawang manggagawa ng Solar Farm Construction company na lulan ng Sinotruck mini dump truck.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-6:15 ng gabi ay magkasunod na bumabagtas sa mountain trail road ang isang Nissan Navarra na sinasak¬yan ng mga empleyado ng China Communication Services Philippines Corporation at ang dump truck.

Pagdating sa isang pababang bahagi ng kalsada na may matarik na kurbada ay nawalan umano ng kontrol ang driver ng dump truck dahil sa brake system malfunction. Bumangga ito sa kaliwang bahagi ng pickup bago tuluyang mahulog sa bangin.

Ang labindalawang nasugatan ay patuloy na inoobserbahan dahil sa mga tinamo nitong sugat.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with