^

PM Sports

USA, Italy pasiklab sa VNL Philippine Leg

Elech Dawa - Pang-masa
USA, Italy pasiklab sa VNL Philippine Leg
Nagdiwang ang USA team matapos talunin ang Dominican Republic sa VNL Week 2.
PSC photo

MANILA, Philippines — Nagpasiklab ang USA squad sa Philippine Leg ng Volleyball Nations League (VNL) women’s week 2 matapos nilang ilampaso ang Dominican Republic, 25-20, 25-19, 25-12, kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Maging ang World No. 1 at reigning VNL champion Italy ay nagpakitang gilas din ng kalusin nila ang Czech Republic, 25-18, 25-21, 25-22 sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick “Pato” Gregorio.

Sinimulan ni skipper at setter Jordyn Poulter ang pagbibigay sigla sa opensa para sa American netters, tinulungan nito ang koponan na iposte ang 43-31 bentahe sa attack points.

Nanguna sa opensa para sa USA si Jordan Thompson sa nirehistrong 15 points mula sa 13 kills at dalawang service aces para tapusin ang Dominican Republic sa loob lamang ng 80 minuto.

Pinalo ng mga USA  ang pangatlong sunod na panalo upang ilista ang 4-1 karta sa Group stage habang bokya ang Dominican Republic sa limang salang.

Nagtala naman si Logan Eggleston ng 10 points lahat galing sa attacks, bumakas si Dana Rettke ng limang puntos para sa USA.

Sa kabilang banda, napaganda naman ng Italy ang kanilang karta, tangan nila ang 4-1 card habang 3- 2 ang baraha ng Czech Republic.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with