Jinggoy sinuspinde ng 90 days ng Sandiganbayan

MANILA, Philippines — Tatlong buwan na hindi makakapagtrabaho si Senador Jinggoy Estrada matapos na suspendihin ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong graft na may kinalaman sa flood control scandal nang makakita ang graft court ng valid criminal information laban dito.
Sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Plunder law, mandato ng Sandiganbayan na isailalim sa preventive suspension ang isang incumbent public officials kapag may valid criminal information ang nakasampa laban dito.
Una nang inatasan ng graft court ang depensa at prosekusyon na magsumite ng kani-kanilang posisyon kay Estrada kung bakit ito maaaring masuspinde sa kanyang puwesto bilang Senador.
Layon din ng hakbang ng Sandiganbayan na maiwasan ang posibleng pananakot sa mga witnesses sa kaso, pag-tamper sa ebidensiya, at maling paggamit ng official authority habang naka-pending ang kaso.
Si Estrada at kapwa akusado na mga dating opisyales ng DPWH-NCR ay takdang sumalang sa arraignment sa Hunyo 30 para sa kanilang kasong plunder at graft may kinalaman sa flood control anomaly.
- Latest
















