^

Punto Mo

Bansa nati’y pinagpala, bakit nasalaula?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MAYAMAN sa agrikultura at kalikasan ang Pilipinas na kinaiinggitan ng maraming bansa. Hindi natin ito pinagyaman, bagkus ay tinampalasan at pinamahayan pa ng kahudasan ng mga nagsisilbi sa pamahalaan.

Lugmok na sa kahirapan ang taumbayan dahil sa gulong dulot ng pulitika na lalong nagpapabagal sa galaw ng ekono­miya. Nilamon tayo ng karumal-dumal na sistema ng kasibaan dahil kinunsinti natin ang pamumuno nang mga pulitikong kalahi ni Hudas dahil sa kaunting ayudang ninanakawan pa bago ipamigay sa mahihirap nating kababayan.

Sapin-sapi’ng kalamidad na lindol, pagkatuyot at sunog at pagdami ng iba’t ibang uri ng sakit ang dumarapo sa bansa at paharap na naman tayo sa tag-ulan at tag-baha. Malamang na mas lalo’ng  umigting ang usapin sa flood control at mga ghost projects. Hindi kaya maragdagan pa?

Maging ang pamunuan ng iba’t ibang relihiyon ay nadadawit na rin sa hidwaan ng magka­bilang kampo ng pulitika. Imbes na maging gabay at tagapahatid ng mensahe ng kapayapaan sa mga miyembro nila ay nagpapagamit na rin sa kademonyohan ng pulitika. Si Lucifer pinaka-busilak na anghel ang ugat ng pulitika at panghihikayat ayon sa Bibliya, ‘di ba?

Sino ba’ng mag-aakala na ang iniwa’ng pamana ng sinauna nating mga mambabatas na pumanday at naglatag sa ating Saligang Batas ay iniinsulto na ngayon ng mga ipokritong mam­babatas na hinahambalos na ng isyu ng ‘‘maleta’’ ay nakakangisi at nakapagyayabang pa. Meron daw naman silang suporta mula sa simbahan. Ganu’n pala!

Pinakamalawak ang kaalaman ng mga Pilipino sa aral ng ‘‘Kristiyanismo,’’ nabahiran nga lamang at nakapulan ito ng ‘‘komersyalismo’’ sa makabagong panahon. Madali nga namang mag­payaman sa ‘‘hudasismo’’ kaya naman ginagawang sawsawan ito ng mga pulitiko. Amen po ba?

Nilamon na ang buong mundo ng kasinungalingan at patunay ang paglaganap ng ‘‘fake news’’ at ‘‘artificial Intelligence’’ na pinagkikitaan ng gumagamit at nagpapalaganap nito. ‘‘Remedyo Heneral’’ ang tawag ng mga political operators sa ganitong paraan nuo’ng unang panahon, pero ngayon ay ‘‘Modern Approach’’ daw ito sa mundo ng mga propagandista. Kademonyohan na nga talaga! ‘Di ba?

BANSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with