^

PSN Palaro

Akari nagpalakas ng floor defense

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Akari nagpalakas ng floor defense
Si Monares ang No. 16 overall pick ng Foxies noong 2025 PVL Rookie Draft at nakababatang kapatid ni Joan na isang undrafted player sa nakaraang 2026 PVL Draft.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinalakas ng Akari ang kanilang floor defense ma­tapos hugutin si libero Ann Monares mula sa Farm Fresh bilang preparasyon sa parating na 2026 Premier Volleyball League (PVL) On Tour.

Si Monares ang No. 16 overall pick ng Foxies noong 2025 PVL Rookie Draft at nakababatang kapatid ni Joan na isang undrafted player sa nakaraang 2026 PVL Draft.

Si Joan ay kinuha ng PLDT High Speed Hitters para sa kanilang pagdedepensa sa korona.

Hindi nabigyan si Mo­nares ng sapat na playing time sa kanyang paglalaro sa Farm Fresh sa nakaraang PVL season sa ilalim ni Japanese coach Koji Tsuzurabara.

Muling makakasama ni Monares sa kanyang paglipat sa Chargers si  FEU  coach Tina Salak at si Lady Tamaraws teammate Chennie Tagaod.

Si Moranes din ang magiging kapalitan ni Akari libero Justine Jazareno matapos pakawalan sina Dani Ravena at Max Juangco.

Bukod kay Jazareno, makakasama ni Moranes sa Chargers sina Ivy Lac­sina, Ced Domingo, Fifi Sharma, Grethcel Soltones, Eli Soyud at setter Mars Alba.

Ang Akari ang magbubukas sa 2026 PVL On Tour sa Hulyo 4 katapat ang ZUS Coffee sa Ilagan, Isabela.

Matapos ang upakan ng Chargers at Thunderbelles sa alas-4 ng hapon ay papagitna ang Creamline Cool Smashers at Nxled Chameleons sa alas-6:30 ng gabi.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with