^

Police Metro

Testigo vs VP Sara trial lagpas 30

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigit 30 na testigo ang nakatakdang iharap ng prosecution panel sa paglilitis ng Senate Impeachment Court laban kay Vice President Sara Duterte.

“It is more than 25. The witnesses is not only 25, it’s not only 30, it’s even more,” pahayag ni House Committee on Justice Chairperson Rep. Gerville Luistro.

Ayon kay Luistro, pinarami na nila ang bilang ng mga testigo upang tiyakin na ang lahat ng mga kinakailangang testimonya ay maipiprisinta sa paglilitis na tinukoy na ang mga testigong hindi kasama ang pangalan sa proseso ng pre-trial proceedings ay posibleng hindi na isalang pa sa paglilitis.

Ang pre-trial brief ay naglalaman ng listahan ng mga testigo ng prosekus­yon, panukalang paglalahad ng mga ebidensyang dokumento na ihaharap sa Senate Impeachment Court.

Sinabi ni Luistro na bagaman kailangang tukuyin ang mga testigo bago ang paglilitis ay nilinaw nito na pinahihintuluan sa impeachment ang reserbasyon para sa bigat ng mga isisiwalat ng mga testigo at dokumento kung may kinalaman ito sa seguridad at kaligtasan.

 

 

 

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with