^

Police Metro

Misis ng tserman, 1 pa todas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang dalawang katao kabilang ang misis ng isang ­barangay chairman habang 3 ang nasugatan sa naganap na ambush sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Salvacion, Albuera, Leyte nitong Lunes ng umaga.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Maria Noya Velos, 51-anyos na misis ni Brgy. Chairman Walter Taripe; at Sherwin Gumop-As, 23; pawang mga residente ng Brgy. Salvacion.

 Ang mga nasugatan ay sina Daniel Gumop-As, 56; John Carlo Israel Porneto, 18 at isang 17-anyos at pawang nilalapatan na ng lunas sa Ormoc District Hospital.

Sa ulat ng Leyte Provincial Police ­Office (PPO), nangyari ang ambush, alas-7:00 ng umaga sa mataas na bahagi ng kalsada sa nasabing lugar.

Nabatid na kasalukuyang lulan ang mga biktima ng Toyota Wigo patungo sa Brgy. Poblacion ng Albuera nang tambangan ng mga armadong suspect.

Ang dalawang nasawi ay napuruhan ng mga tama ng bala sa ulo at leeg na siyang agarang kumitil sa buhay ng mga ito.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa kasong ito upang matukoy ang motibo ng krimen at masakote ang mga suspect.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with