^

PM Sports

Gilas Boys kampeon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Winalis ng Gilas Pilipinas boys ang SEABA Qualifiers matapos ang 85-70 panalo kontra sa host na Thailand sa finals kamakalawa ng gabi sa Chan Ka Pho Gymnasium sa Krabi, Thailand.

Kumamada ng 21 puntos, 2 rebounds, 1 assist at 3 steals si Joaquin Mikhail Tovera ng UP Fighting Maroons sa 23 minutong aksyon lang upang tanghaling Tournament MVP para sa Gilas.

Mas dikit ang panalo ng Gilas kumpara sa 98-63 tagumpay kontra sa Thais sa group play pero nakumpleto pa rin ang misyong masikwat ang kampeonato ng regional tourney papasok sa FIBA U18 Men’s Asia Cup na gaganapin sa Agosto sa India.

Top 2 teams o ang finalists ng naturang torneo ang kakatawan sa Southeast Asia sa FIBA Asia at nasungkit ito ng Gilas sa semis palang matapos ang 130-54 tagumpay kontra sa Malaysia.

Umayuda kay Tovera sina Patrick Laurence Pasinos at Ethan Matthew Aguas na may tig-13 puntos sa mando ng ace point guard na si Chog Moral na nagtala ng halos triple double na 10 puntos, 7 rebounds at 7 assists sahog pa ang 3 steals.

Umiskor ng 15 puntos si Lorenzo Ravazzini habang may tig-13 puntos sina Phuric Benjaariyakul at Ronnie Allsopp para sa Thailand. Kapos din ang 10 puntos ni Peerakan Wilairoj.

Wagi ang Gilas ng double digits sa 5 laro nito matapos ding pupugin ang Vietnam, 121-28, Singapore, 110-50, at Thailand, 98-63, sa group stage.

Sa kabuuan, pambihirang 56.8 puntos ang naging winning margin ng Gilas upang patunayan ang pagiging prinsipe ng SEA basketball kagaya ng mga kuya nila sa Gilas men’s senior team.

Ito ang unang salang ng Gilas boys sa ilalim ng bagong head coach na si Juno Sauler kapalit ni LA Tenorio na nauna nang minanduhan sa kampeo­nato ng SEABA U16 ang Nationals noong nakaraang taon sa Pampanga.

 

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with