^

PM Sports

Gentle Dance inindakan ang 2nd Leg Triple Crown

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumalida ng maganda sa largahan ang dehadong Gentle Dance kaya naman nanalo ito ng banderang tapos sa naganap na 2026 PHILRACOM - PCSO “2nd Leg Triple Crown Stakes Race” na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.

Mabilis na lumabas ng aparato ang fourth choice na Gentle Dance upang hawakan agad ang unahan, nakasunod ang Everest habang nasa pangatlo ang liyamadong Isa Bell.

Kahit dumidikit ang Everest ay hindi hina­yaan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awar­dee Patty Ramos Dilema na maungusan ang sakay nitong Gentle Dance.

Patuloy ang pamama­yagpag ng Gentle Dance sa kalagitnaan ng karera kung saan ay dalawang kabayo ang agwat nito sa segundang E­verest nasa pangatlo pa rin ang first leg winner Isa Bell.

Hindi nagbago ang puwesto ng mga kabayo sa far turn, nasa unahan pa rin ang Gentle Dance, pangalawa ang Everest at pangatlo ang Isa Bell, nasa pang-apat naman ang Black Eagle.

Determinado ang Gentle Dance na manalo kaya nasa unahan pa rin ito pag­li­ko sa huling kurbada sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Lalong ginanahan ang Gentle Dance sa rektahan kaya tuluyan na nitong iniwanan ang mga katunggali upang masilo ang pangalawang leg.

Tinawid ng Gentle Dance ang meta ng may limang kabayo ang agwat sa pumangalawang Everest, tersero ang Black Eagle habang pumang-apat ang Isa Bell.

Nirehsitro ng Gentle Dance ang 1:56 minuto sa 1,800 meter race.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with