‘See you Knicks year’
May cute na imahinasyon si PBA stats chief Fidel Mangonon. Kwentuhan daw nina Jalen Brunson at Victor Wembenyama na nagtatapos sa parting shot ni Brunson: “See you Knicks (next) year.”
Pero kaya nga ba ng New York Knicks na umulit na NBA champs next year?
At tumalon ang huntahan sa umpukan ng mga PBA reporters ukol sa “parity” sa NBA kumpara sa dominasyon ng dalawang major blocs sa local pro league.
Sa NBA, record stretch ang eight years na walang nakaka-title repeat – simula nang manalo ang Toronto noong 2019, sinundan ng LA Lakers, Milwaukee Bucks, Golden State Warriors, Denver Nuggets, Boston Celtics, OKC Thunder at New York Knicks.
Sa PBA, 2016 pa may ballclub – Rain or Shine – na nanalo ng championship mula sa labas ng kampo ng SMC at MVP Group.
At paalala ni PBA stats chief, mas matagal na panahon ang huling non-SMC at non-MVP team na nanalo ng PBA All-Filipino crown. Ito ay Sta. Lucia sa kanilang panalo kontra Purefoods noong 2007-08 season.
Kailan makakahabol ang PBA independent teams sa mga higanteng koponan?
May tsansa lang itong mangyari kung magdesisyon silang hawakan ang kanilang promising players, tanganan ang kanilang draft rights, at huwag itapon ang kanilang “future.” Ang mga ito ang nagpapanatili ng imbalance ng liga.
Rain or Shine ang nakikitang tunay na nagpupursigi.
Kung makakakuha ng matibay na import, dadating din siguro ang panahon na mapupuwing nila ang mga higante.
- Latest


















