Babae kinatay ng live-in partner sa selos!
CAVITE, Philippines — Patay ang isang ginang matapos na walang habas na pinasagsaksak ng kanyang live-in-partner sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo dahil umano sa matinding selos ng huli, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bagong Pook, Sta. Maria, Laguna.
Base sa ulat ng Laguna Municipal Police, alas-11:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa tahanan ng maglive-in partner na itinago pa ang mga pagkakakilanlan sa Sitio Bayabasan, ng nasabing barangay.
Nagkaroon umano nang matinding pagtatalo ang biktima na si alyas “Jen” at kinakasama nito na si alyas “Darwin” dahil sa alegasyon ng huli na may ibang lalaki ang ginang.
Napag-alaman na pinagseselosan ng suspek na itinatanggi naman ng biktima.
Napikon ang suspek at kumuha ito ng patalim at pinagsasaksak ang biktima na agad nasawi sa lugar saka mabilis na tumakas ang una.
Kasalukuyanng tinutugis ng pulisya ang nasabing suspek.
- Latest























