Falcis suspendido ng 1 taon - SC

MANILA, Philippines — Pinatawan ng isang taong suspension sa practice of law si Atty. Jesus Falcis dahil sa simple misconduct kaugnay sa paggamit ng mga bastos umanong pananalita sa pagtatanggol sa kanyang kapatid.
Sa desisyon ng Supreme Court (SC) 2nd Division na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, napatunayan na nagkasala si Atty. Jesus Nicardo M. Falcis III bunsod sa isang post sa Twitter ng huli sa pagtatangol sa kapatid na si Nicko, laban sa mga paratang ng aktres na si Kris Aquino na may kaugnayan sa qualified theft.
“Yung mga biased na dilawan d’yan, halata kayo. Sa allegations ni Kris, paniwalang paniwala na kayo agad. Pero sa allegations naming na she threatened my brother, wala ako naririnig sa inyo? Pakyu kayo mga gago haha check your cognitive biases.”
Inihain ng isang Jason Gene Baltao, ang dating business partner ni Aquino, sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang kaso laban kay Falcis sa reklamong conduct unbecoming of a lawyer.
Ikinatwiran ni Falcis na ang mga nakaraang desisyon ng SC na nagsasaad ng “putang-ina” ay kadalasang ginagamit upang ipahayag ang galit at pagkadismaya, hindi upang sirain ang pangalan, bukod pa sa may freedom of speech din ang mga abogado.
Ayon sa IBP, lumabag si Falcis sa Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) sa paggamit ng offensive language at inirekomenda ang multa at reprimand.
- Latest
















