Palparan nananatili sa NBP - BuCor
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga ulat na inilipat si Retired General Jovito Palparan sa ibang lugar mula sa pagkakapiit sa New Bilibid Prison (NBP).
Tugon ito ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., sa mga katanungan ng media nitong Lunes hinggil sa lumutang na alalahanin ng private complainant na sina Erlinda Cadapan at Concepcion Empeño.
Ang dalawa ay naghain umano ng manifestation sa Korte Suprema na may petsang Hunyo 9, 2026, na nagpapahayag ng kanilang concern na si Palparan ay hindi na nakakulong sa pasilidad ng BuCor sa Muntinlupa at inilipat sa ibang lugar.
May larawan din na magpapatunay na nasa NBP si Palparan at anumang paglilipat ay sumusunod sa mahigpit na mga protocol at dokumentasyon, na wala naman para kay Palparan.
- Latest



















