^

PSN Showbiz

Dennis, may paalala sa naaksidenteng anak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Dennis, may paalala sa naaksidenteng anak
Dennis Trillo

Kamakailan ay nasangkot sa isang car accident ang anak nina Dennis Trillo at Carlene Aguilar na si Calix. Ngayon ay patuloy na nagpapagaling ang binatily­o sa mga tinamong pinsala.

“Sa awa ng Diyos wala namang masyadong masamang nangyari sa kanya except sa kaun­ting bruises at fracture sa kamay. Buti na lang ‘yung fracture niya sa kamay, hindi ‘yon ang ginagamit niya pang-fencing. ‘Yung kabilang kamay ‘yung na-injure. Pero malapit na ring tanggalin ‘yung cast niya and okay naman,” pagbabahagi ni Dennis sa 24 Oras.

Patuloy na pinaaalalahanan ng Kapuso actor ang anak napalaging mag-ingat lalo na kapag nasa kalye. “Sabi ko sa kanya, napakaimportante magpasalamat ka sa bawat oras na binibigay sa ‘yo lalo na sa ganitong mga aksidente. Wala masyadong mapinsala, wala masyadong naabala. At ikaw, lalo ­siyempre ‘yung buhay mo, napakaimportante,” kwento niya.

Samantala, abala na ngayon si Dennis sa taping ng Hari ng Tondo na pinagbibidahan nila ni Ruru Madrid. Matatandaang huling nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Green Bones noong 2024. Masaya si Dennis nang nalamang siya ang nagsisilbing inspirasyon ni Ruru pagdating sa trabaho. “Siyempre masarap ‘yung pakiramdam na nakaka-inspire tayo ng mga kasamahan natin sa industriya lalo na sa mga kabataan. ‘Yon naman talaga ‘yung goal natin na kahit paano magbigay ng magandang example sa mas mga bata sa industriya. Siyempre itong ginagawa namin ni Ruru talagang maaksyon ‘to. Bukod do’n sa aksyon, makikita n’yo ‘yung mga puso ng characters,” pagtatapos ng Kapuso actor.

Zephanie, game sa girl group

Usap-usapan ngayon ang girl group na Yumi na napapanood sa Born to Shine na pinagbibidahan nina Zephanie, Olive May, at Michael Sager. Kabilang si Zephanie sa naturang Pinoy Pop girl group. Maraming mga tagahanga ng programa ang nagsasabing totohanin na dapat ang mga karakter ng limang miyembro ng Yumi. “Kasi nakikita po talaga namin sa mga comments online na ‘Gawin na lang natotoong P-pop.’ Even us po, I think it’s a big dream for us na magkatotoo talaga. And kung mabibigyan ng chance, parang gusto po talaga naming maging Yumi in real life,” nakangiting pahayag sa amin ni Zephanie sa Fast Talk with Boy Abunda.

Wala umanong magiging problema sa dalaga kung sakalimang magiging miyembro ng isang girl group kahit sumikat na bilang isang solo artist. “Ang saya siguro no’n na parang meron kang ibang personality. Parang sa ibang universe, I’m Yumi-Jennie talaga. Parang alter ego, I’m Zephanie as a solo (artist),” dagdag ng singer-actress.

May bulung-bulungan na nagkakamabutihan na sina Zephanie at Michael ngayon lalo pa’t magkatambal sa naturang GMA Afternoon Prime series. Matatandaang unang nagkatrabaho ang dalawa sa Sparkle U noong 2023. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with