^

Dr. Love

Naninira dahil sa selos

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin nyo na lang po akong Secret Girl.”Sumulat ako dahil gulong-gulo ang isip ko.

May matagal na akong crush, pero kahit anong pahiwatig ko, parang hangin lang ako sa kanya. Balewala talaga.

Ang masakit, napapansin niya ang ibang mga babae. Dahil sa tindi ng selos ko at sa kagustuhang mapansin niya rin ako, nakakagawa ako ng mali.

Nagsimula akong manira at magkalat ng kuwento laban sa mga babaeng lalapitan niya para pumangit sila sa tingin niya.

Ngayon, binabagabag ako ng konsensya ko. Natatakot ako na kapag nala-man niya ang ugali ko, lalo siyang lalayo.

Alam kong mali ako, pero paano ko po ba ititigil ang selos na ito? Paano niya ako mapapansin sa tamang paraan nang hindi nakakasakit ng iba?

Secret Girl

Dear Secret Girl,

Mabuti at inaamin mong mali ang ginagawa mo. Iyan ang unang hakbang para sa pagbabago.

Pero harapin natin ang katotohanan, hindi mo makukuha ang pagmamahal sa pamamagitan ng masamang ugali.

Sa paninira mo sa iba, hindi mo itina-taas ang sarili mo—bagkus, ibinababa mo ang sarili mong halaga.

Kung malaman ng crush mo ang totoo, lalo siyang lalayo dahil walang gustong mapalapit sa taong mapanira.

Itigil mo na ang pagpula sa ibang babae at mag-focus ka sa sarili mo. Kung hindi ka niya mapansin, huwag mong ubusin ang panahon mo sa kanya, at lalong huwag mong sirain ang pagkatao mo para lang sa isang “crush.”

Ang tunay na ganda ay nakikita sa malinis na puso.

Kapag pinahalagahan mo ang sarili mo, ang tamang tao na ang kusang lalapit at magpapapansin sa iyo. Itama mo ang mali habang maaga pa habang may pagkakataon ka pa.

Alalahanin mo, ang ginagawa mong masama ay tiyak na hindi mo magugutuhan kaag ginawa sa’yo.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with