Bea, mabilis daw maniwala!?

Active na ulit sa social media si Bea Alonzo.
Panay na ang paramdam niya. Base sa kanyang post kahapon, nasa Bangkok, Thailand ang actress. May iso-shoot daw itong endorsement.
Caption niya kalakip ang dump photos: “somewhere between call time and calling it a night.”
As if wala siyang pinagdaanan at naudlot ang kasal nila ni Vincent Co ng Puregold sa Spain.
Sa kanyang mga post ay back to normal na nga ang actress.
Balik-taping din daw ito pero next year pa diumano ipalalabas ang nasabing serye na kasama si Tom Rodriguez.
Ito ay kahit ang daming mga kuwento sa naudlot nilang kasalan ng bilyonaryo na pinanghihinayangan ng iba dahil andun na raw, pero naudlot pa dahil sa diumano’y pagiging mabait ng actress sa mga taong nasa paligid niya.
Sana raw ay magkaroon din ng sariling decision ang actress at ‘wag basta maniwala.
Awss. Walang nabanggit ang source kung sino ang tinutukoy niya sa kuwentong ‘yun.
- Latest

























