^

PSN Showbiz

Boy 2, hinahanap pa rin si Dolphy!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Boy 2, hinahanap pa rin si Dolphy!
Boy 2 Quizon
STAR/ File

Taong 1992 nang unang mapanood sa ABS-CBN ang Home Along Da Riles na pinagbidahan ni Dolphy.

Tumatak sa isipan ng mga tagahanga ang naturang sitcom na kinabibilangan din nina Claudine Barretto, Vandolph at Boy 2 Quizon, Maybelyn dela Cruz, Smokey Manaloto, Gio Alvarez, Cita Astals, Dang Cruz at Nova Villa. Mahigit isang dekadang umere sa telebisyon ang comedy show kung saan sumikat ang pamilyang Cosme.

Simula ngayong Miyerkules ay mapapanood naman sa mga sinehan ang Home Along Da Riles: Da Reunion ng pinagbibidahan ng itinuring nang kapamilya ng pumanaw na Comedy King.

Ang apo ni Dolphy na si Boy 2 ang naging direktor ng naturang pelikula.

Nagsimula lamang umano sa social media ang ideya ng kanilang reunion project ilang taon na ang nakalilipas. “Meron kaming pino-promote na product (ni Vandolph). Tapos sabi niya, let’s think of something, gawa tayo ng content sa riles. May pinuntahan kaming isang riles sa Sucat, hawak-hawak namin ‘yung product.

“Tapos may ginawa kami, nagulat kami biglang napuno na ng tao sa riles. Tapos nag-viral, do’n na nag-start. And then after that, nagkaroon ng binyag ‘yung anak ni Smokey. That time kasama namin sina Tita Nova, sina Tita Ces (Quesada), mas dumami, tuluy-tuloy na,” pagdedetalye sa amin ni Boy 2 sa Fast Talk with Boy Abunda.

Aminado si Boy 2 na nanibago ngayon sa kanyang trabaho. Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Boy 2 dahil sa suportang ibinigay ng mga katrabaho para sa pelikula. “Parang ako pa ‘yung pinakatumanda. Masaya kasi nakumpleto namin ‘yung Cosme family. Parang surreal lang na ako na ‘yung nag-a-‘Action!’ na ngayon, tapos from end to end. Nakakatuwa at the same time masaya, tapos may halong lungkot kasi marami na ring nawala sa mga cast. Naging very collaborative lahat,” nakangiting pahayag niya.

Hindi naging madali para sa aktor at direktor ang proseso upang mabuo ang naturang reunion movie. “Kasi, Tito Boy, ‘yung pinagdaanan namin, two and a half years to mount it. No’ng nakikita namin ‘yung little steps, social media started there. May buhay pang sunog-baga (boys). Umabot ‘yung point na hinanap naming lahat ng mga tao. Dapat kumpleto lahat,” giit ni Boy 2.

Maraming mga natutunan ang Kapuso actor mula sa kanyang namayapang lolo.

Matatandaang pumanaw si Dolphy noong 2012. Aminado si Boy 2 na marami pa ring pagkakataon na hinahanap-hanap niya ang Hari ng Komedya. “Grounded, kasi si lolo laging gano’n eh. Always be grateful, grounded. Important ‘yung kailangan mo ding makisama. Super (nami-miss), no’ng tinayo namin ‘yung set ng Home Along, may feeling na ayaw naming ilayo sa naaalala ng mga tao. So maraming time na nando’n siya kasama namin,” paglalahad ng aktor at direktor.

Para kay Boy 2 ay napapanahon din ang kanilang bagong pelikula lalo pa’t ipagdiriwang ang Father’s Day ngayong Linggo. “Ito na po ang reunion po natin. Lahat po ng batang ‘90s na ngayon ay adult na, ipalalabas na po ang Home Along Da Riles Da Reunion. Eksakto po ito ngayong Father’s Day, iregalo n’yo na lang sa mga daddy n’yo,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with