Brunson ibinigay sa Knicks NBA crown

53 taong tagtuyot tinapos
SAN ANTONIO — Muli na namang kumamada ang mga Comeback Knicks. At ngayon sila na ang Champion Knicks.
Sa unang pagkakataon matapos ang 53 taon, muling naghari ang New York sa NBA.
Nagpasabog si point guard Jalen Brunson ng 45 points, kasama ang 13 sunod sa fourth quarter para gabayan ang Knicks sa 94-90 pagsibak sa San Antonio Spurs sa Game 5 ng NBA Finals.
Tinapos ng New York sa 4-1 ang kanilang best-of-seven series ng San Antonio.
Nagawa nila ito mula sa pagbangon sa double-digit deficits sa apat na panalo sa serye.
Bumalikwas ang Knicks mula sa isang 16-point deficit para muling talunin ang Spurs.
“It’s surreal,” sabi ni New York coach Mike Brown na kinuha noong nakaraang taon at naging ika-24 coach simula nang magkampeon ang tropa noong 1973. “I still can’t believe it’s happened.”
Umiskor sina Mikal Bridges at Josh Hart -- ang dalawa sa “Nova Knicks” trio kasama si Brunson, tatlong players na mga NCAA champions sa Villanova University, ng pinagsamang 27 points.
Si Bridges ay may 14 markers kasunod ang 13 points ni Hart.
Nauna nang bumangon ang Knicks mula sa isang 29-point deficit sa Game 4 para agawin ang 107-106 panalo mula sa tip-in ni OG Anunoby sa huling 1.2 segundo.
Samantala, kumamada si Fil-Am rookie guard Dylan Harper ng 25 para pangunahan ang Spurs na nakakuha ng 19 points, 14 rebounds at 5 blocked shots kay Victor Wembanyama.
Kaagad nagdiwang ang mga New Yorkers sa panalo ng Knicks.
“HISTORY,” isinulat ni New York City Mayor Zohran Mamdani sa social media at idinagdag ang championship parade na itinakda niya sa Huwebes.
- Latest




















