^

PM Sports

Fairfield bumida sa 3YO Locally Bred race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpakitang gilas ang dehadong Fairfield matapos nitong sikwatin ang korona sa 2026 PHILRACOM “2nd Leg 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race” na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas kahapon.

Ginabayan ni jockey JR De Ocampo, hindi nito inapura sa largahan ang Fairfield ipinuwesto nito ang kabayo sa bandang likod upang panoorin ang matutulin sa labasan na My Oh My, Georgia at Confidence Surge.

Bahagyang umusad ang My Oh My ng dalawang kabayo ang agwat sa pumapangalawang Confidence Surge, tersero pa rin ang Georgia habang nasa pang-apat ang Fairfield.

Papalapit ng Far Turn ay nasa unahan pa rin ang My Oh My pero nilalapitan na ito ng Confidence Surge, kita naman ang kapaguran ng Georgia sa tersero habang nagsisimula ng lumapit ang Fairfield.

Pagdating ng huling kurbada ay ang My Oh My pa rin ang nasa unahan subalit dinikitan na ito ng Fairfield at nagkapanabayan na ang dalawa sa rektahan.

Inagaw ng Fairfield ang bandera sa huling 150 metro ng karera para tawirin ang meta ng may limang kabayo ang agwat sa pumangalawang Lady Outlaw, tersero ang Candle In The Wind at pang-apat ang My Oh My.

Nirehistro ng Fairfield ang tiyempong 1:55.2 sa 1,800 meter race.

METRO TURF

PHILRACOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with