Marian, nadamay sa ‘halfies’

Nakakawindang na itong isyu ng “halfies” na sinimulan ng model at pageant winner na si Brandon Espiritu dahil sa rami ng nakisawsaw.
Lumitaw uli ‘yung nag-viral na video nang si Marian Rivera ang nagbigay ng tanong sa winner na si Jether Palomo sa Superbods. Ito ‘yung tinranslate ni Marian ng English ang tanong niyang Tagalog.
Hindi kasi na-gets ni Jether ang unang pagtatanong ng Tagalog.
Matagal na ‘yun, pero nabuhay dahil sa isyu ng ‘halfies’ na kinasangkutan din ni Jether. Nagkaroon na rin ng meme na pagbati kina Brandon at Jether ng “Halfie Independence Day” noong Biyernes, June 12.
Nagkasanga-sanga na ngayon dahil ang dami nang nakisakay.
Nag-post sa kanyang Facebook account itong si Kenneth Cabungcal na grand winner sa Misters of Filipinas 2023, first runner-up sa Man of the World 2024, at fourth runner-up sa Mister Supranational 2025.
Ang dating ay parang ipinagtanggol ni Cabungcal sina Brandon at Jether.
Nalabuan ang netizens kung ano ang nais ipunto ng inilabas na open letter ni Cabungcal.
Bahagi ng open letter na ‘yun, “Like many Filipinos, I understand the frustration, disappointment, and emotions surrounding the recent issue involving ‘halfies’ in the Philippines.
“We all have the right to express our opinions, especially when it comes to representation, identity, and what it means to be Filipino.
“But beyond our differences in perspective, I hope we can choose something greater: love, peace, and understanding.
“The Philippines deserves to be a country that welcomes people with compassion. A country that values character over bloodlines. A country that understands that being Filipino is not only about genetics, it is also about values, respect, resilience, kindness, and love for the nation.”
Mahaba pa ang post na ito ni Cabungcal, na ang duda ng karamihan ay AI (artificial intelligence)-generated ito.
Ang dating sa karamihan ay ipinagtanggol na nito sina Brandon at Jether.
Kaya kaagad to the rescue naman ang matagal nang inili-link sa kanya na si Kenneth Marcelino.
Sabi nito, “Dahil ako ang kausap ni Kenneth buong araw kahapon, gusto ko lang linawin ang totoong nangyari. Una sa lahat, hindi pinagtatanggol ni Kenneth si Brandon. Sa totoo lang, mali rin naman para sa kanya ang naging mga komento nito sa nakaraang video.
“Hindi rin sila ganoon ka-close ni Brandon. May pagkakataon pa nga na humingi si Kenneth ng tips kay Brandon para sa kanyang Supra journey, pero hindi naman siya sinuportahan nito at binaliwala.
“Kaya ganoon ang naging post niya. Marami kasing kaibigan si Kenneth na mga foreigner at half-Filipino. Kasama pa nga niya ngayon ang ilan sa kanila sa condo kung saan siya nakatira.”
Sangkatutak na pangangantiyaw ang inabot ng dalawa.
Kaya ang ending, na-deactivate na ni Kenneth Marcelino ang kanyang social media account.
Sa totoo lang, hindi rin nagpahuli ang mga konteserong ito sa isyu sa showbiz huh?!
- Latest





















