Eala mapapalaban kay Vekic sa Berlin Open first round

MANILA, Philippines — Mapapalaban si Alex Eala sa kanyang unang pagsalang dahil haharapin nito si Donna Vekic ng Croatia sa opening round ng Berlin Open sa Germany.
Magkukrus ang landas nina nina Eala at Vekic ngayong araw base sa order of play na inilabas ng mga organizers.
Ngunit posible itong maurong sa Martes dahil naglaro kahapon si Vekic sa finals laban kay Emma Raducanu ng England ng HSBC Championships sa London, England.
Ito ang ikatlong paghaharap nina Eala at Vekic.
Hawak ni Eala ang 2-0 rekord kung saan nanalo ito kay Vekic, 4-6, 6-4, 6-4, sa first round ng ASB Classic sa Auckland, New Zealand noong Enero 6.
Muling nanaig si Eala kay Vekic sa Kooyong Classic na isang exhibition match sa iskor na 6-3, 6-4.
Kung mananalo si Eala kay Vekic, muli nitong makakaharap si world No. 2 at reigning Australian Open champion Elena Rybakina ng Kazakhstan na nakakuha ng opening round bye dahil sa hawak nitong second seeding.
Nagtagpo na sina Eala at Rybakina sa third round ng Italian Open noong Mayo 10 sa Rome, Italy.
Nanaig sa naturang laro si Rybakina, 4-6, 3-6.
Sa clay court naganap ang kanilang unang paghaharap.
Kaya’t malaki ang posibilidad na makaresbak si Eala dahil grass tournament ang Berlin Open.
Galing si Eala sa HSBC Championships kung saan nakaabot ito sa second round subalit natalo kay American netter Iva Jovic sa iskor na 2-6, 2-6.
- Latest

















