Gerald, apektado sa pagkamatay ni Rene!

Pinagaan kahit papaano ni Gerald Anderson ang pagluluksa ng ina ni Rene Baterbonia na si Rovelyn nang dumalaw ito sa burol ng nalunod na atleta.
Si coach Jess ng Ateneo de Davao ang nagpasalamat sa isang post: “Thank you so much Gerald Anderson gypa smile nimo mama ni Rene maski kadali.”
Nakalaro pa pala ni Gerald si Rene two months ago kaya apektado siya sa nangyari sa atleta. “‘Yang batang yan, kalaro ko two months ago pa ‘yun. He had a very bright future. Tragedy talaga, nakakadurog ng puso, especially for someone in the basketball world, tapos nakita mi yung potential ng bata,” aniya sa isang kumalat na interview.
Ang daming celebrity ang nakikisimpatya estudyanteng atleta na pinaglalamayan na sa kasalukuyan na 18 years old lang pala at hindi 19. “Hi everyone. Just to clarify, Rene was born on May 8, 2008, not May 8, 2007. He was 18 years old, not 19 years old.
“We would appreciate it if everyone could help share the correct information. Thank you for your understanding and for continuing to keep Rene and his family in your thoughts and prayers.
“My condolences to everyone who loved Rene. Accurate information can be very important when honoring someone’s memory,” sabi pa ni Coach Jess na grabe ang pagluluksa.
Sa congress naman ay naghain na si Cong. Toby Tiangco ng House Resolution No. 1112 directing the Committee on Youth and Sports Development to conduct an inquiry, in aid of legislation, into the tragic deaths of two college student-athletes during training.
“Hindi lamang ito usapin ng pananagutan. Usapin din ito ng katotohanan, transparency, at pagtiyak na hindi na mauulit ang ganitong trahedya sa iba pang kabataang atleta.
“Ang unang dapat sanang nangyari ay ipinaliwanag ng coach kung ano talaga ang nangyari. Kung totoo na pinatahimik siya, hindi iyon katanggap-tanggap. Dapat linawin ng ating Alma Mater kung ito ay totoo o hindi,” ayon sa post ni Cong. Toby bago pa nanghingi ng sorry ang Ateneo coach na si Tab Baldwin sa pamilya ng biktima.
“Noong Hunyo 8 pa nangyari ang insidente at Hunyo 12 na ngayon, ngunit wala pa ring malinaw at opisyal na pahayag kung ano talaga ang nangyari. Hangga’t walang sapat na paliwanag, natural lamang na magkaroon ng mga tanong, agam-agam, at haka-haka.
“Masakit isipin na ang dalawang kabataang ito ay may mga pangarap at magandang kinabukasan na nais nilang maabot para sa kanilang sarili at kanilang mga pamilya. Tulad ng maraming kabataang atleta, nagsakripisyo sila at nagsumikap upang makamit ang mas magandang bukas. Kaya naman nararapat lamang na mabigyan ng malinaw na sagot ang kanilang mga mahal sa buhay at ang publiko.
“Hindi natin maaaring hayaan na mabaon sa katahimikan ang pagkamatay ng dalawang kabataang may pangarap at kinabukasan. Karapatan ng kanilang mga pamilya, mga kaibigan, at ng publiko na malaman ang buong katotohanan. Sa pamamagitan ng imbestigasyong ito, layunin nating alamin ang mga pangyayari, tukuyin kung may mga pagkukulang, at magrekomenda ng mga hakbang upang mapalakas ang kaligtasan at proteksyon ng ating mga student-athletes. Ang katotohanan ay hindi dapat katakutan. Ito ay dapat hanapin,” bahagi ng mahabang post ni Cong. Toby.
Ganito naman talaga ang sentimyento ng lahat ng tao. Ang madiskubre ang katotohanan sa pagkamatay ng dalawang estudyante ng Ateneo na sina Rene at si Divine Adili.
- Latest





















