^

Police Metro

Conviction sa drug case malaki ang puntos — PNP

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi lang nagtapos sa pag-aresto ng pulisya ang isang Canadian national kundi ito ay nahatulan pa ng korte, kama­kailan.

Ito ang ipinagmalaki ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Ge­neral Jose Melencio Nartatez Jr. sa naging tagumpay at tunay na kahalagahan ng paglaban sa iligal na droga kung ang lumabag sa batas ay napatawan ng conviction, kumpara sa malaking drug-bust na pagkasamsam ng P9.68 bilyon ng 1.4 toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas noong 2024 na higit na pinagtuunan ng pansin ng publiko ang balita. 

Aniya, hindi na napapansin ang kasunod na kabanata, tulad paghatol ng korte ng habambuhay na pagkabilanggo sa isang Canadian national sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Ipinabatid ni Nartatez na ang pinakamahirap na parte sa tungkulin ng pulisya ang pagbuo ng kaso na tatayo sa korte at mauuwi sa pagpataw ng parusa sa lumabag sa batas.

Ipinapakita rin ng kinalabasan ng kaso ang patuloy na pagbibigay-diin ng PNP sa intelligence-driven investigations na tunay na sukatan ng tagumpay.

Ito rin ang uri ng pagtutok at pagpa­patuloy ng trabaho na isinusulong ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with