Eala inspirasyon si Serena Williams
MANILA, Philippines — Hindi maitago ni Alex Eala ang saya na makasama sa isang torneo ang legendary tennis player na si Serena Williams na nagmamay-ari ng 23 Grand Slam titles.
Hindi man nakalaban ni Eala si Williams, masaya na ito na nasa parehong tournament sila.
Naglaro si Williams sa doubles event kasama si Canadian Victoria Mboko sa HSBC Championships sa London, England.
Nasa singles event naman si Eala kung saan nakaabot ito sa second round.
“It’s incredible. I did not think that I would be able to experience that in my lifetime to be on the Tour while Serena is competing as well,” ani Eala sa panayam ng Tennis Channel.
Isa si Williams sa mga hinahangaan ni Eala sa mundo ng tennis. Nagsisilbi itong inspirasyon sa mga kabataang tennis players kasama na ang 21-anyos Pinay netter.
“Of course, she is the great and such an inspiration to be able to see that first hand and experience the Tour at the same time as hers,” ani Eala.
Kaya naman para kay Eala, isa ito sa hindi malilimutang karanasan sa kanyang tennis career.
Maagang naputol ang kampanya nina Eala at Williams.
Natalo si Eala kay American player Iva Jovic sa se-cond round ng singles sa iskor na 6-2, 6-2.
Sa kabilang banda, hindi na magtutuloy sina Williams at Mboko sa doubles.
Nagtamo ng injury si Mboko sa laban nito sa singles dahilan upang mag-withdraw na lamang ito sa doubles.
- Latest






















