May duda pa rin kay mister
Dear Dr. Love,
Bakit ganun nag-sorry na ang asawa ko, pero nararamdaman kong meron pa rin silang koneksyon ng babae niya? Napapraning ako kapag may nagti-text at nagme-massage sa kanya sa Facebook o email. Nagagalit siya kapag tsini-check ko ang cellphone niya. Normal lang ba ang naiisip kong pagdududa sa mister ko?
Sabel
Dear Sabel,
Ang nararamdaman mo ay normal lang. Kapag nasaktan at nabasag ang tiwala sa relasyon, natural na lumitaw ang pagdududa at pagiging alerto sa mga kilos ng asawa.
Pero mahalagang tandaan na ang sobrang pag-check sa cellphone o social media ng asawa ay maaaring magdulot ng mas mala-king tensyon.
Ang tiwala ay hindi nababalik sa pamamagitan ng pagbabantay, kundi sa pamamagitan ng komunikasyon, pag-uusap, at malinaw na kasunduan kung paano ninyo haharapin ang sitwasyon.
Sa totoo lang, hindi lang dapat ikaw ang mag-workout sa tiwalang nasira. Higit pa nga dapat ang iyong asawa na pinagmulan ng pagtataksil. Pero hindi mo naman maipupwersa sa kanya ang tungkol dyan kung wala siyang kalooban na gawin ‘yan.
Kaya ang payo ko, ilapag mo sa Panginoon ang lahat at tiyak Siya ang may perkpektong hakbang para hipuin at baguhin ang asawa mo. Magtiwala ka lang at sikapin na maging mabuti, maalaga at maasikasong may bahay.
Dr. Love
- Latest





















